LAKBAY SANAYSAY
Bacolod na Hindi Malilimutan Ang pinakamagandang parte ng paglalakbay ay ang paggawa ng mga ala-ala na hindi malilimutan. Yung tipong sa mismong oras na ‘yon ay wala kang kaalam-alam na magiging ala-ala pala ito na hindi mo malilimutan. Kagaya ng karanasan namin sa Bacolod, ang ciudad ng mga ngiti, naging isa rin ito sa mga lugar na aking mamahalin nang buo. Mula sa pagtatagpo ng aming barko sa isla ng Escalante, agad kaming namangha sa kapayapaan na dala ng lugar— lalo na sa preskong hangin na hahaplos sa iyong mga balat— mararamdaman mo agad kung bakit “Lungsod ng mga Ngiti” ang tawag sa ciudad na ito. Isa sa mga pinaka nagustuhan kong parte sa Bacolod ay ang pagsama ng mga magsasaka sa kan...