KATITIKAN NG PULONG
Petsa: Abril 14, 2025
Oras: 3:00 PM - 4:30 PM
Lugar: Saint Louis College-Cebu High School Gym
Paksa/Layunin: High School Tournament Cup na ipapaganap ng mga Konsehal ng Mandaue City
-
Punong Konsehal ng Mandaue City
-
Basketball Captains at Vice Captains ng bawat paaralan ng Mandaue
-
Administrators ng mga Paaralan
-
Presidente ng Paaralan
1. Introduksyon ng Magaganap
Tagapagsalita: Presidente ng Paaralan at Punong Konsehal
Oras: 3:00 PM – 3:15 PM
Inumpisahan ang pulong ng Presidente ng Paaralan na nagbigay ng mga salita ng pasasalamat sa lahat ng dumalo at sumusuporta sa High School Tournament Cup. Sinundan ito ng isang maikling mensahe mula sa Punong Konsehal ng Mandaue City, na nagsaad ng kahalagahan ng sports sa pagpapaunlad ng kabataan at ng komunidad sa Mandaue. Inanunsyo rin ng Punong Konsehal ang layunin ng event, na magbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na ipakita ang kanilang kasanayan sa basketball at magsanib-puwersa para sa magandang layunin ng sportsmanship.
2. Registration at Team Lineup
Tagapagsalita: Basketball Captains at Vice Captains ng bawat paaralan ng Mandaue
Oras: 3:15 PM – 3:45 PM
Ang Basketball Captains at Vice Captains ng bawat paaralan ay nagsimula ng kanilang pag-rehistro at pagpapakilala. Ang bawat team ay ipinakilala ang kanilang mga miyembro, kabilang ang mga captains at vice captains. Bawat koponan ay tumanggap ng mga official kits kabilang ang jerseys at ID cards. Pinangunahan ng mga captains at vice captains ang pag-aayos ng team lineup at mga huling preparasyon para sa pagsisimula ng laro. Ang mga administrasyon ng paaralan ay nagbigay ng kanilang suporta at mga paalala sa mga teams tungkol sa tamang disiplina at sportsmanship.
3. Basketball Tournament Cup
Tagapagsalita: Administrators ng Paaralan at Punong Konsehal
Oras: 3:45 PM – 4:15 PM
Ang Administrators ng Paaralan at Punong Konsehal ay nagsalita at nagbigay ng final instructions para sa Basketball Tournament Cup. Ipinakilala nila ang format ng laro at ipinahayag ang kanilang buong suporta sa bawat koponan. Pinangunahan ang unang bahagi ng laro na nagsimula pagkatapos ng maikling mensahe ng bawat tagapagsalita. Ang mga players ay nagpakita ng kanilang kasanayan at disiplina sa laro. Ang laro ay nagpatuloy ng maayos at may mataas na antas ng sportsmanship.
Inirekomenda ng mga dumalo ang patuloy na pagpapalaganap ng sports sa mga paaralan sa Mandaue upang mas mapalakas ang camaraderie at teamwork sa mga kabataan. Ang event ay natapos sa masigabong pagsuporta ng audience at mga sumusuporta sa bawat koponan.
Ang pulong ay natapos nang walang karagdagang isyu o tanong mula sa mga dumalo.
Pagtatapos ng Pulong: 4:30 PM
Inihanda ni: Jasmine Elaiza B. Iran
Posisyon: Punong Konsehal
Petsa ng Pag-uulat: Abril 14, 2025
Comments
Post a Comment