BIONOTE
Kilala sa bansag na Tiger Woods ng billiards si Efren "Bata" Reyes. Siya ay pinanganak noong August 26, 1954 sa Angeles City, Pampanga. Ang kanyang ama ay isang barbero at ang kanyang ina naman ay isang tindera sa palengke. Nung limang taong gulang palang si Efren ay pinapadala siya sa Maynila ng kaniyang tiyuhin para magtrabaho sa kanyang bilyarang pangalan ay "Lucky 13". Nagtatrabaho siya bilang isang billiard attendant sa umaga at sa gabi ay nagpapraktis siya mga nakikitang laro ng mga kustomer. Sa edad na labindalawa ay natutunan niya na ang fundamentals ng laro. Nagsimula siyang mag-ikot bansa upang sumali sa mga torneo para subukan ang kanyang galing laban. Nakatagpo siya ng isang pilipino na nagpadrino sa kanyang lakad dito sa Amerika. Nagpanggap siya bilang isang mekaniko na nangangalang Cesar Morales sa kanyang unang torneo sa Huoston, Texas. Noong 1989, nakipagpartner siya sa magkapatid na Jose at Aristeo Puyat, sila ang unang matitinong sponsor ni Efren Reyes at may-ari ng pinakamalaking bowling at billiard chain ng Pilipinas.
Comments
Post a Comment