REPLEKTIBONG SANAYSAY

    Para sa akin, ang tunay na pagkakaibigan ay isang relasyon na hindi nawawala, hindi nasusukat sa agwat ng distansya o oras. Nang magsimula kaming magkaibigan, akala ko simple lang—mga tawanan, kwentuhan, at mga saloobin. Ngunit sa paglipas ng panahon, natutunan ko na ang pagka-totoo ng isang friendship ay hindi sa madalas na pagkikita, kundi sa pagpili ng bawat isa na magpatawad, magbigay ng oras, at magkaintindihan. Alam ko na ang pagkakaibigan ay tunay kapag pinipili mong umintindi kaysa magtalo o magpaliwanag ng hindi magkasundo.

   Marami sa atin ang nakakaranas ng mga pagbabago sa buhay—at isang malaking pagbabago ang pagpili ng unibersidad at kurso. May mga pagkakataon na nagkakalayo kami ng mga kaibigan ko, at ang mga kurso at unibersidad na pinili namin ay naglagay ng distansya sa aming samahan. Hindi na kami araw-araw magkakasama, hindi na kami sabay naglalakad sa campus, at may mga pagkakataong mahirap magkasabay. Pero, natutunan ko na ang tunay na pagkakaibigan ay hindi nakasalalay sa mga simpleng bagay na ginagawa natin. Ang tunay na pagkakaibigan ay nasusukat sa kung paano natin pinapahalagahan ang isa’t isa sa kabila ng mga pagbabago at agwat.

    Sa mga ganitong pagkakataon, ang tanging paraan para mapanatili ang pagkakaibigan ay ang pag-uusap paminsan-minsan at ang pagkikita kapag may oras. Hindi na tulad ng dati na araw-araw kami nagkakasama, pero tuwing may pagkakataon, kahit saglit, nagkakaroon kami ng moment ng pagkikita. Dito ko napagtanto na hindi kailangan ng pagkakaibigan ng parehong mga interes o pagkakatulad sa buhay, kundi ang pagkakaroon ng balanse sa oras. Alam ko na kahit hindi kami laging magkakasama, basta't totoo ang pagmamahal at pagpapahalaga sa isa’t isa, magiging matibay pa rin ang aming pagkakaibigan.

    Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang natutunan ko na hindi mo kailangan magkaroon ng parehong "bagay-bagay" o pagkakapareho sa lahat ng aspeto ng buhay upang maging matatag ang isang pagkakaibigan. Ang tunay na pagmamahal sa kaibigan ay nasusukat sa kung paano mo pinapahalagahan ang kanilang presensya, sa mga simpleng gestures ng suporta, kahit na malayo kayo sa isa't isa. Hindi rin kailangan magkasabay sa lahat ng desisyon at plano—ang mahalaga ay pagbalanse ng oras at pagiging nagmamalasakit sa bawat isa.

Comments

Popular posts from this blog

KATITIKAN NG PULONG

TALUMPATI