ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tuklasin ang mga epekto ng cyberbullying sa mental health ng mga kabataan sa kolehiyo, partikular sa mga estudyanteng aktibong gumagamit ng social media. Ang layunin ng pag-aaral ay matukoy kung paano nakakaapekto ang cyberbullying sa kanilang emosyonal na kalagayan, tulad ng depresyon, stress, at pagbaba ng self-esteem, pati na rin ang kanilang akademikong pagganap. Gamit ang qualitative research na may interview bilang pangunahing instrumento ng pananaliksik, ang mga respondents ay binubuo ng mga kabataan mula sa kolehiyo na may karanasan sa cyberbullying. Ang mga datos ay nakolekta sa pamamagitan ng online survey at isinuri gamit ang descriptive statistics upang matukoy ang mga epekto ng cyberbullying sa kanilang mental health.
Batay sa mga inaasahang resulta, inasahan ng pag-aaral na ang cyberbullying ay may malalim na epekto sa mental health ng mga kabataan, kabilang ang depresyon, stress, at pagbaba ng self-esteem. Inirerekomenda ng pag-aaral ang pagkakaroon ng mga counseling services at seminars sa mga paaralan upang matulungan ang mga kabataan na makayanan ang mga epekto ng cyberbullying. Mahalaga ring palakasin ang mga anti-cyberbullying policies sa mga online platforms at magpatuloy ng mga awareness campaigns upang mapataas ang kamalayan ukol sa isyung ito. Ang pagpapalaganap ng mental health education ay inirerekomenda rin upang magbigay gabay sa mga kabataan sa pag-handle ng emotional stress dulot ng cyberbullying.
Comments
Post a Comment