SINTESIS
Ang artikulo ay tumatalakay sa paglaganap ng bullying sa Pilipinas, na tinaguriang "bullying capital of the world" ayon sa Programme for International Student Assessment (PISA). Ayon sa datos ng Department of Education (DepEd) noong Enero 2024, mayroong 83 kaso ng physical bullying, 28 kaso ng verbal bullying, at 27 kaso ng cyberbullying na naitala sa kanilang "telesafe" helpline. Upang labanan ito, ipinatupad ang Republic Act No. 10627 o ang Anti-Bullying Act of 2013, na naglalayong pigilan at aksyunan ang bullying sa mga paaralan, at ang Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012, na nagpaparusa sa mga gawaing pang-harass gamit ang internet at teknolohiya.
Comments
Post a Comment